Google
 

Dahil nakakulong si Cynthia ay si Victor muna ang nangangalaga kay Ernest. Pilit nitong sinasabi kay Ernest ang nangyari - ang pag-ampon sa kanya, at ang totoo nitong magulang. Ngunit sa murang edad ni Ernest ay siguradong hindi pa niya ito maiintindihan.





Sinubukan nang ibigay ni Victor si Ernest kina Noel at Melanie, ngunit ayaw ng batang sumama sa kanila. Naiyak naman si Melanie sa hindi pagkilala sa kanya ng kanyang sariling anak. Hindi nila muna kinuha si Ernest at hinayaang iuwi muli ni Victor.





Dahil hindi makakain si Melanie ay nagpasya si Ceding na kausapin ito at bigyan ng payo. Sabagay, me karanasan na si Ceding tungkol sa pagiging malayo sa anak, katulad ng sitwasyon nila ni Noel, na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Noel ang katotohanan.



Dinalaw ni Victor kasama si Ernest si Cynthia sa kulungan. Nagalit naman si Cynthia dahil ayaw niyang makita siya ni Ernest sa ganoong sitwasyon. Pinipilit ni Victor si Cynthia na sabihin ang totoo sa anak, ngunit ayaw pumayag ni Cynthia. Ganti daw niya iyon sa mga pang-aapi na ginawa sa kanya nila Noel.



Isang umaga, nagulat na lang sina Noel nang bumili ito ng damit sa Divisoria. Gagayahin niya si Yaya Ceding, papasok siya bilang katulong kina Victor upang kahit sa ganoong paraan ay makasama niya ang kanyang anak.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!