Google
 

Para mag-stay si Ysay, gumawa ng istorya itong si Albert. Kunwari ay hindi siya nakapagbayad ng hulog sa inutang nitong pangkapital sa bangko at ngayon ay sinisingil siya. Ang plano niya ay kailangang maawa itong si Ysay para hindi umalis dahil nga maraming naitulong sa kanya si Andrew. Pero isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap - si Lima ay papunta sa kanilang farm! Hindi maaaring magkita sina Ysay at Lima, dahil maaaring mabuko si Albert.




Mukhang epektib ang plano ni Andrew dahil nagdadalawang isip itong si Ysay kung aalis ba siya ng bansa o hindi. Pangarap niya ang makapagtrabaho sa abroad. Tinawagan niya ang magpapadala sa kanya sa abroad, at ayos na ang mga papeles niya. Lilipad na siya sa lalong madaling panahon. Lalo lang naguluhan si Ysay.


Sinubukan naman kausapin ni Tsang si Andrew (Albert). Minsan na daw naisakripisyo ni Ysay ang pangarap dahil sa lalaki, at kung sakaling maging ganoon din daw ang desisyon ni Ysay para sa kanya ay siya na daw ang tumanggi. Medyo nagkaproblema dito si Albert.



Dahil nga paparating na si Lima ay nagmamadaling pinaalis ni Albert sina Ysay. Umalis naman sila kaagad habang paparating pa lang sina Lima. Pero naiwan ni tsang ang damit na bigay sa kanya ni Albert, kaya pinababalik niya ang van. Sa kanilang pagmaniobra pabalik ay siya namang pagdaan ni Lima, at nakita siya nila Ysay.







0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!