Google
 

Aalis na pa-abroad si Victor, kaya iiwan na niya si Ernest kay Melanie. Iyak naman ng iyak si Ernest, ngunit pilit na sinasabi ni Victor na si Melanie ang tunay niyang ina.


Pinipigilan din ni Melanie ang pag-alis ni Victor dahil hindi pa handa si Ernest, ngunit ayaw nang ma-involve ni Victor pa. Sarili naman daw niya ang iintindihin niya. Hirap na hirap din siya sa paghihiwalay nila ni Ernest dahil napamahal na ito sa kanya.



Dinalaw naman ni Noel si Cynthia sa kulungan ayon na rin sa kasunduan nila upang maipakilala ni Cynthia si Ernest kina Noel at Melanie. Ngunit hindi lang dalaw ang gusto ni Cynthia. Gusto din niyang makasiping si Noel. Sinabihan ni Noel ng "baliw" si Cynthia, na hindi naman itinanggi nito. Baliw daw siya dahil kay Noel.





Sa pagdalaw ni Noel na iyon ay siya ding pagdalaw ni Victor kay Cynthia. Gusto lang sabihin ni Victor na minahal niya si Cynthia ngunit hindi ito nasuklian ng husto ni Cynthia. Inamin naman ni Cynthia na hindi naman niya minahal si Victor, at si Noel talaga ang tunay niyang mahal.


Nagkasakit si Ernest dahil sa stress sa pagkakahiwalay nito sa kanyang mga kinagisnang magulang. Kailangan na nilang makausap si Cynthia upang matulungan sila sa pagpapakilala sa kanila bilang mga tunay na magulang.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!