Google
 

Mahirap para kay Noel at kay Melanie na tanggapin na namatay ang sanggol na iniluwal ni Melanie. Hindi ito matanggap ni Melanie dahil narinig pa niyang umiyak ang sanggol (nakaiyak muna ang sanggol bago maturukan ng pampatulog ng OB-Gyne na kakuntsaba ni Cynthia si Melanie).


Pagkapanganak ay ibinigay na kay Cynthia ang sanggol ni Melanie. Gumawa naman ng istorya si Cynthia, kunwari ay iniwan sa pintuan nila ang sanggol na may kasamang sulat.







Duda naman si Bryan sa mga pangyayari at takot na baka may umangkin sa bata, kaya aasikasuhin na kaagad nila Cynthia at Victor ang mga papel para ma-adopt ang sanggol at lilipad na sila papuntang Australia.





Samantala ay hindi pa pala nababayaran ni Cynthia ang nagpa-anak kay Melanie. Nagbanta ito na magkakadamayan kung tatakbuhan siya ni Cynthia.



Inilibing din kaagad ang "patay" na sanggol ni Melanie dahil kailangan niyang bumalik kaagad sa kulungan. Sa kulungan ay dinamayan siya ng kanyang mga in-mates.



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!