Google
 

Galit na pinuntahan ni Bryan si Cynthia sa bahay nito. Pilit tinatanong kung kanino galing ang sanggol na inampon niya apat na taon na ang nakakalipas. Nang hindi ito umamin ay ihinagis sa kanya ang blanket na may nakasulat na "Bureau of Corrections". Dito ay hindi na nakatanggi pa si Cynthia at nagmakaawang huwag sabihin kahit kanino ang nangyari. Pero hindi pumayag si Bryan, kaya nagalit sa kanya si Cynthia at nagbantang magpapakamatay.



Isang magandang balita ang dumating kay Cynthia. Gamit ang internet ay nagpadala si Noel ng isang sulat tungkol sa nangyari at sumagot nga ang batang nakasaksi ng nangyaring pagpatay kay Ronald.




At natuloy na nga ang kasal nila Vanessa at Miguel. Kumpleto ang pamilya ni Vanessa, pati ang partido ni Miguel maliban kay Melanie na hindi maaaring makadalo. Nagkasundo naman ang magkabilang partido, na parang walang nangyari. Si Bryan, gusto na sanang magsalita tungkol sa nalalaman nito ngunit minabuting ipagpaliban na lang hanggang maging handa na sila.










Si Cynthia naman ay napraning na dahil nga alam na ni Bryan ang katotohanan. Ipapasyal sana ni Victor si Ernest sa mall ngunit madali silang pinigilan ni Cynthia. Tinatanong ni Victor kung bakit ngunit ang sagot lamang ni Cynthia ay maraming gustong kumuha sa kanya. Kinuha ni Cynthia ang bata at nagkulong sila sa loob ng kwarto.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!