Google
 

Nakapagdesisyon na si Melanie at sa tulong ni Bryan ay pumunta sila sa bahay nila Victor upang mamasukan bilang yaya ni Ernest. Sa ganitong paraan ay lagi niyang makakasama si Ernest at maaalagaan, at maaaring mapalapit ang loob sa kanya. Pumayag naman si Victor sa ganoong sitwasyon sa awa na rin kay Melanie, na gagawin ang lahat makuha lamang muli si Ernest.







Ngunit hindi pa din matatanggap ni Ernest na sila Melanie at Noel ang kanyang mga magulang dahil sobrang malapit ang bata kay Cynthia at siya ang tinuturing nitong tunay na ina. Kaya kinausap ni Noel si Cynthia sa kulungan upang kausapin si Ernest at ipaliwanag ang buong pangyayari. Pumayag naman kagad si Cynthia sa isang kundisyon: araw araw siyang dadalawin ni Noel katulad ng ginawa nito nung nakakulong pa si Melanie.




Sinabi ito ni Noel kay Melanie. Laking gulat at inis ni Noel dahil payag si Melanie sa kundisyon ni Cynthia. Ang punto naman ni Melanie ay kailangan nilang magsakripisyo upang kilalanin sila ni Ernest bilang magulang niya. Hindi pa din desidido si Noel sa bagay na ito.



Isang hindi inaasahang pangyayari naman ang naganap sa bahay nila Noel. Napagusapan ni Ceding at Melanie ang tungkol sa pagpasok ni Melanie bilang katulong at ang mabuti nitong naidudulot upang mapalapit sa anak. Hindi naiwasan ni Ceding na maikumpara ang nakaraan niya na ganoon din ang sitwasyon. Hindi nila alam ay nakikinig na pala si Noel sa kanilang likuran, at narinig nito ang kwento ni Ceding tungkol sa paglilihim na siya ang totoong ina ni Noel.







0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!