Google
 

Dahil sa narinig ay nasaktan si Bernardo nang malamang mahal pa din ni Patria si Mike. Pinalayas na din sila ni Mike upang hindi na sila makagulo pa. Kinausap naman ni Bernardo si Andrew at sinabing sana ay dalawin niya si Patria upang gumaling ito ng mabilis, ngunit nagalit si Andrew sa kanya dahil hindi naman daw siya anak nila.




Habang binibilang ni Bernardo ang P50,000 na bigay sa kanya ni Mike ay napag-isip isip nito na aminin na kay Andrew ang totoo at magbagong buhay na sila nila Patria. Pero kailangan pa raw niya ng mas maraming salapi, kaya naisipan nitong makihati kay Minerva sa makukuha nitong pera kay Mike. Pero hindi naman pumayag si Minerva. Tinakot siya ni Bernardo na isusumbong sa pulis, ngunit tinutukan siya ng baril ng bodyguard ni Minerva, at binugbog palabas.





Nagkita naman sina Carla at Andrew. Dito nagkwento si Andrew ng pangyayari mula sa stuffed toy na bigay niya kay Gillian na naging simula ng lahat ng kaguluhan sa buhay nila. Nang tanungin siya ni Carla kung may nararamdaman siya para kay Gillian, hindi na ito itinago pa ni Andrew at inamin niya na mayroon nga.





Nagalit at nasampal ni Bernardo si Tina dahil sa pagnakaw nito ng pera na ibinigay sa kanya ni Mike. Ngunit nagpaliwanag itong si Tina na nagsasawa na siya sa buhay nila. Naawa naman si Bernardo at nangakong magbabagong buhay sila.




Kinabukasan ay muling kinausap ni Andrew ang kanyang ama at nagmakaawang huwag nang palayasin sina Patria dahil naaawa siya kina Gillian, ngunit buo na ang pasya ni Mike at hindi na ito mababago pa. Wala namang magawa si Andrew.











0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!