Dahil sa pagkamatay ni Andrew ay bumalik ng Pilipinas si Albert, ang kakambal ni Andrew. Paghihigantihan niya ang pagkamatay ng kanyang kambal. Magpapanggap siyang si Andrew, at paiibigin niya si Ysay at saka lolokohin.
Sinimulan ni Albertang "panliligaw" sa pamamagitan ng pagdala ng mga bulaklak at mga regalo. Nung una ay hindi siya nagpakilala, at kung gusto nilang malaman kung sino ang nagpadala ng mga iyon ay magkita sila kinabukasan.
Si Lima naman ay nagtatrabaho na sa kumpanya ng kanyang ina. Nang mangangailangan sila ng mga OJT, isa sa mga nag-apply ay si Jordan.
Ngunit ayaw ni Ysay na makipagkita kaya si Albert na mismo ang pumunta sa bahay nila Ysay. Tuwang tuwa naman sina Alex, at maging si Ysay, na mukhang miss na miss na si Andrew. Wala silang kamalay malay na patay na si Andrew at ang nakikita nila ay ang kapatid nitong si Albert.
0 Comments:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)