Google
 

Muling tinawagan ni Minerva si Rose tungkol sa lihim ni Mike. Akala ni Minerva ay nakita ni Rose ang picture, ngunit si Andrew ang nakakuha nito. Tinawagan ni Rose si Mike upang sabihing tumawag ulit ang babae, ngunit sinabihan lang siya ni Mike na huwag mabahala dahil wala naman daw siyang inililihim.










Pinuntahan na ni Minerva si Mike sa opisina nito upang makakuha ng 5 million pesos mula kay Mike kapalit ang hindi nito pagbunyag ng nakaraan nila Mike at Patria.





Tinext naman ni Carla si Andrew upang makapagusap sila at pagsabihan si Andrew tungkol sa masamang balak ng kanyang ina na si Minerva. Alam naman ni Andrew ang sinasabi ni Carla dahil nakita nga niya ang picture.




Pinagsabihan naman ni Mike si Bernardo tungkol sa ginawang iyon ni Minerva. Natatakot si Mike na maaaring ikasira ng pamilya nila kung makakarating kay Rose ang tungkol sa nakaraan nila ni Patria.



Nakalabas na ng ospital si Patria at nakauwi na sa kanilang bahay. Si Gillian, sa kabila ng lahat ng ginawa ni Patria sa kanya, ay inalagaan niya ito.





Nagkaroon naman ng mainit na pagtatalo ang mag-ama habang sila ay kumakain, at ipinahiwatig ni Andrew na may nalalaman siyang nagawang pagkakamali ang kanyang ama.






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!