Google
 

Muling tumawag si Minerva kay Rose. Makipagkita daw siya ng gabi sa parking ng office ni Mike. Sinubukan kunin ni Mike ang telepono ngunit naibaba ito kaagad ni Minerva.




Galit namang pinuntahan ni Andrew si Patria sa pagaakalang may kinalaman siya sa mga pictures na kumakalat. Agad itong itinanggi ni Patria na lalo lamang ikinagalit ni Andrew.




Nag-alala naman ang mag-ama nang malaman nilang umalis nang gabi ding iyon si Rose. Dito ay ipinaalam na ni Andrew ang tungkol sa pagkakaroon niya ng picture ng kanyang ama at si Patria. Pinigilan ni Mike si Andrew na ipaalam ito sa kanyang ina.




Si Patria naman ay nagiguilty na sa mga ipinakikitang kabaitan ni Gillian. Nagtampo si Gillian nang ipinagtatabuyan siya ni Patria, at sinabing kahit ano pa ang nagawa ni Patria sa kanya ay siya pa din ang kanyang ina.


Nagkausap naman sina Andrew at Gillian sa labas. Sinabi ni Gillian na naiinggit sya kay Andrew dahil mahal siya ng kanyang ina, samantalang siya ay hindi.






Sa opisina ni Mike, habang naghihintay si Rose ay tinignan ang mga gamit sa mesa ni Mike. Dito ay nakakita siya ng isang tseke na nagkakahalagang 5 million. Kinuha niya ito at nagmamadaling lumabas.



Pinuntahan naman ni Bernardo si Minerva upang sabihing itigil na ang mga ginagawa nito at alalahanin ang samahan nila ni Patria. Ngunit bugbog lang ang inabog ni Bernardo.


Si Patria naman ay na-overdose ng ininom na gamot. Bago pa man ay pinuntahan siya ni Mike upang sabihing itigil ang mga ginagawang pagsira sa kanilang pamilya, na wala naman talagang kinalaman si Patria. Nakita ni Gillian ang ina na nakahandusay kaya isinugod nila ito kaagad sa ospital.





Sa parking lot ng opisina ni Mike ay inabot ng isang utusan ni Minerva kay Rose ang isang envelope na may lamang picture ni Mike at ng isang babae na may takip ang mukha.




Sa ospital, nang magkamalay si Patria at silang dalawa lang ni Andrew ay may gusto siyang sabihin na malalaman natin sa susunod na episode.






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!