Google
 

Dahil sa narinig ni Noel ay nagalit ito kay Ceding. Nagmukha daw siyang tanga. Sinubukan naman siyang kausapin ni Melanie ngunit hindi ito naging sapat upang mawala ang galit ni Noel kay Ceding, ang kanyang tunay na ina.


Sobrang hirap ang dinaranas ngayon ni Victor dahil napamahal na sa kanya si Ernest, at ngayon nga ay binabawi na ang kanilang inampon nila Noel at Melanie, ang mga totoong magulang ni Ernest. Naawa naman si Bryan at kay Cynthia ibinunton ang mga hinanakit niya at ng kanyang asawa. Wala namang pakialam si Cynthia kay Victor, at si Noel pa ang hinanap. Galit na nilayasan ni Bryan si Cynthia.




Dahil napapansin ni Melanie na laging malungkot si Ernest, naisip nito na marahil ay namimiss na nito ang kinagisnang inang si Cynthia. Kinausap ni Melanie sa kulungan, at nakiusap na sabihin na kay Ernest ang totoo. Alam ni Melanie ang kapalit, at handa siyang gawin iyon para kay Ernest. Natuwa naman si Cynthia sa narinig.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!