Google
 

Nalaman ni Andrew kay Mark na nawawala si Gillian, kaya galit na pinuntahan nito ang bahay nila Patria.



Samantala, sa bahay na tinutuluyan nila Gillian, naiwan nilang bukas ang bahay nung sila ay umalis upang maghanap ng trabaho. Nanakawan sila at nakuha ang perang naipon ni Carla.





Si Andrew naman ay pinuntahan ang bar na dating pinagbugawan kay Gillian. May kinausap siyang hostess doon at nakakuha siya ng contact ni Carla. Sinubukan niya itong tawagan, at tiyempong si Gillian ang nakasagot. Nagkabosesan silang dalawa kaya naman ibinaba kaagad ni Gillian ang telepono. Ayaw niyang may makaalam ng kanyang kinaroroonan.













At dahil si Gillian ang inatupag ni Andrew, hindi na naman nito nagawa ang ipinapagawa sa kanya ng kanyang ama. Disappointed na naman sila kay Andrew.

Tinawagan naman ni Gillian si Rose matapos tumawag ni Andrew upang mailayo ang suspetsa ni Andrew at hindi sila mag-isip ng masama.

At dahil nalaman ni Andrew na nawawala si Gillian, tinanong ni Patria sa dalawa niyang anak kung sino ang nagsumbong. Lumaban na rin si Boy, kaya pinaalis siya ni Patria.


Pagdating ni Andrew ay galit na sinugod siya ni Mike pagkababa niya ng kotse. Ngunit agad siyang sinalo ni Bernardo. Pero hindi nagpasalamat si Andrew kay Bernardo. Nagalit pa ito dahil si Gillian ang dapat daw nilang inaalala. Labis na nasasaktan sina Bernardo at Patria dahil malayo na talaga ang loob ni Andrew sa kanila.





Kinausap ni Rose si Andrew tungkol sa pagpapabaya nito sa task na ibinigay sa kanya ng kanyang ama. Sinabi ni Andrew ang tungkol sa nangyari kay Gillian ngunit dahil tumawag nga si Gillian kay Rose ay hindi ito naniwala kay Andrew.



Samantala may bagong babae sa triangle nila Mark, Gillian at Andrew: si Trish.



Nakakita ng papasukan sina Gillian at Carla. Habang kausap ni Gillian ang may-ari ng bahay, tumawag naman si Andrew sa cellphone ni Carla. Tyempo namang palabas ng bahay si Gillian kaya pinutol niya kaagad ang tawag. Ngunit nag-text ito kay Andrew na magkita sila sa Taytay.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!