Google
 

Nagpatulong si Mito kay Alex upang sorpresahin si Ysay. Magpo-propose siya kay Ysay ng kasal. Isang diamond na singsing ang kanyang bibilhin na nagkakahalaga ng P400,000. Sa Intramuros gagawin ni Mito ang proposal.




Nag-usap naman ang mag-inang sina Victoria at Lima. Kung ayaw daw sumunod ni Lima sa kanyang mga utos ay malaya siyang makakaalis ng pamamahay. Sa takot ay sumunod na lamang si Lima sa ina. Samantala nakipagkuntsabahan si Lima kay Phuket upang kumustahin si Jordan.



Sa simbahan nagkita sina Jordan at si Phuket. Si Phuket ay nakasuot pa ng pang-madre. Kinumusta naman ni Jordan si Lima, at nangakong hihintayin si Lima.




Dapat ay secret ang proposal ni Mito. Dapat ay pipilitin lang ni Alex si Ysay upang pumunta sa tagpuan nila ni Mito, ngunit dahil ayaw pumayag ni Ysay ay sinabi na ni Alex na magpo-propose si Mito sa kanya, kaya naman walang atubili ay nag-ayos sila.



Binili na ni Mito ang singsing at papunta na sana sa tagpuan nila ni Ysay ngunit may mga nag-aabang na pala sa kanya na malamang ay mga tauhan ni Victoria. Sa hide-out ng mga masasamang loob ay pinagbububugbog nila si Mito, at sa huli ay pinutol ang mga daliri nito.













0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!