Google
 

Tinawagan ni Victor si Bryan upang ipaalam na kakaiba na naman ang ikinikilos ni Cynthia. Agad itong pumunta at nalaman na nagkukulong ito sa kwarto kasama ang bata. Alam ni Bryan ang rason kaya inamin na nito kay Victor na ang inampon na sanggol ni Cynthia noon ay ang anak na namatay diumano nila Melanie at Noel.





Bumalik na galing abroad ang batang saksi sa pagpatay kay Ronald. Agad itong nainterview ng media at dito ay ikinwento niya ang buong pangyayari. Napanood ito ni Melanie sa kulungan, maging ni Cynthia, kaya nagmadali itong tumakas kasama ang bata.









Dahil sa paglantad na iyon ng batang saksi ay pinuntahan ng mga pulis ang bahay nila Cynthia ngunit huli na dahil nakaalis na ito.


Si Bryan naman ay hindi matahimik ng konsyensya kaya pinuntahan nito si Noel at sinabi na ang totoo - na hindi totoong namatay ang anak nila ni Melanie, at ang inampon na sanggol ni Cynthia ang kanilang anak.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!