Google
 

Sa bahay nila Andrew nagstay si Gillian pagkalabas nito sa ospital. Ngunit isang magdamag lang siya dito at umuwi na rin sa kanilang bahay dahil hindi niya maiwan ang kanyang mga kapatid.

Paguwi nito sa kanilang bahay ay nalaman niya kay Boy na ang kanyang kapatid na si Tina ang nagnanakaw sa kanyang ina na ibinibintang sa kanya. Galit na pinagsasampal nito si Tina. Ngunit nakita ito ni Patria at nagalit ito sa kanya.


"Natutulog ba ang Diyos?" - Gillian

Kinabukasan ay naglayas si Gillian.











Nagdala ng kare-kare sina Rose at Andrew sa bahay nila Gillian ngunit wala silang naabutang tao. Pauwi na sila ng makasalubong nila si Patria. Sinabi ni Patria na lumabas si Gillian. Isang makabuluhang tingin lang ang ibinigay ni Andrew kay Patria.






Samantala sa paglalayas ni Gillian ay nagutom ito. Napadaan ito sa isang karinderya. Tiyempo namang nakita siya dito ng kasamahan niya sa bar na pinagbugawan sa kanya ng kanyang ina. Umalis din ito sa bar. Nilibre niya si Gillian ng pagkain.







Napika naman si Andrew sa pagiging over-concerned sa kanya nila Bernardo at Patria. Sinagot nito si Patria na hindi naman nagustuhan ni Bernardo. Bumawi naman sa kanila si Andrew at sinabing magsusumbong tungkol sa mga nalalaman nito tungkol sa ginawa nila kay Gillian.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!