Google
 

Nasa ligtas nang kalagayan si Mike kaya tuwang tuwa si Rose. Kinausap niya ito, at nang makita siya ni Mike ay nag-sorry ito sa kanya. Sinabi ni Mike na si Patria ang babae sa litrato, na siya namang kinagalit ni Rose.





Samantala sa pamamagitan ni Carla ay nalaman ni Gillian ang mga sakripisyong ginawa ni Andrew upang makabawi sa mga kamalasang inabot ni Gillian dahil sa stuffed toy na iniwan niya sa may pintuan dati. Kaya nang magkita sila ay isang yakap ang ibinigay ni Gillian kay Andrew na ikinatuwa naman nito.





Nagmamadaling umuwi ng bahay si Bernardo mula sa ospital upang pagbalutin ang kanyang pamilya dahil siguradong madadawit siya sa imbestigasyon. Ayaw namang umalis ni Patria dahil maiiwan si Andrew.




Nang kukunin na ni Bernardo ang pera sa mga inutusan nito ay inonse siya. Akmang kukunin ni Bernardo ang baril sa isang lalaki nang maunahan siya ng mga kasama nito at nabugbog siya nang walang nakukuhang pera.



Pinuntahan naman ni Rose ang bahay nila Patria at galit na sinampal at saka pinapalayas.



Sa ospital naman, ayaw naman magsalita ni Mike tungkol sa nangyari at ayaw niyang magsampa ng kaso.




Sinubukang kausapin ni Andrew ang kanyang ina, ngunit galit talaga ito kina Patria. Gusto ni Andrew na bumalik sina Gillian sa kanila.




Iniisip ni Minerva kung sino ang may pakana ng nangyari. At dahil napurnada ang milyon niya ay nagiisip siya ng bagong plano, ngunit ayaw na siyang samahan ng kanyang bodyguard at ibinigay na ang baril sa kanya. Dito ay pinuntahan ni Minerva ang bahay nila Rose at tamang tamang paalis sana sina Rose nang maharang niya ang mga ito at tutukan ng baril.





1 Comment:

  1. Anonymous said...
    I am an avid follower of Natutulog Ba.... but now i'm starting to miss the everyday episode because you're playing it too late. "Ako na po ang nakakatulog". Can't you give it the 9:00pm slot or much better if you return it to the original timeslot?

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!