Google
 

Tuluyan na ngang naghirap ang pamilya Santillan. Lumipat na sila sa isang mas maliit na bahay. Lumung lumo si Arnold sa mga nangyayari sa kanilang buhay.



Naapektuhan naman ang pagkakaibigan nila Noel at Bryan dahil sa mga pangyayari. Upang hindi na sila makaabala sa buhay ng bawat isa, napagpasyahan ni Noel na huwag muna silang magkikita, na ikinalungkot naman ni Bryan.



Si Cynthia naman, marahil dahil sa inggit kay Melanie, ay atat na atat nang magkaanak. Nadelay lang ay todo konsulta na sa mga OB-Gyne. Naiirita na rin ang kanyang asawang si Victor.



Namumroblema naman si Melanie dahil nalaman nitong ilalayo sa kanya ang anak matapos ang isang taon kung may kamag-anak na kukuha dito. Siyempre hindi maaaring mag-stay ang sanggol sa isang bilangguan.





Nakilala naman ni Cynthia ang doktor na tumitingin kay Melanie, si Dr. Oliveros. Nakaisip ito ng idea upang maisagawa ang isang madilim na balak kay Melanie.






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!