Google
 

Dahil sa biglang pagkawala nila Cynthia at Ernest ay hinalughog ng mga pulis pati na rin sina Noel at Bryan ang buong paligid ng police station. Lingin sa kanilang kaalaman ay nakaligtas sina Cynthia sa kanilang paningin at kasalukuyang paakyat sa roof deck ng building na iyon.





Dahil nga sa kinutuban ng hindi maganda si Ceding ay humangos na din sila sa police station. Dito nila nakita ang mga tao na nagkakagulo. Pumasok kagad sa isip nila si Cynthia.


Sa itaas ng building, dito na nagkwento si Cynthia kay Ernest, kung paano siya nabaliw sa pag-ibig kay Noel, kung sino ang totoo nitong mga magulang, at kung paano siya kinuha. Sinabi niya kay Ernest ang totoo, na sina Noel at Melanie ang kanyang mga magulang.


Habang naghahanap si Melanie sa may labas ay nilipad ang towel ni Ernest mula sa itaas. Nakita ito ni Melanie kaya umakyat siya.



Pagkakita ni Cynthia kay Melanie ay binantaan ito na itutulak si Ernest kung lalapit siya. Nagmamakaawa naman si Melanie kay Cynthia na huwag ituloy ang kanyang masamang balak.



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!