Google
 



Kinakausap ni Victoria ang kanyang spy sa Florencia's nang makita niya sa TV si Lima at si Jordan na magkasama sa out-reach. Sinugod niya ito sa eskwelahan at hinila si Lima pauwi. Pinabugbog naman ni Victoria sa kanyang mga tauhan si Jordan.







Nagkasagutan naman ang mag-ina. Nauwi ang kanilang pagtatalo sa usaping pagnanakaw, at dito naibulalas ni Lima ang tungkol sa recipe na ninakaw ng kanyang ina na nagpayaman sa kanila. Dahil dito ay ikinulong siya ni Victoria sa kanyang kwarto.




Sobrang bugbog ang inabot ni Jordan sa mga tauhan ni Victoria, kaya naman pag-gising nito kinabukasan ay mataas ang lagnat nito.






Kinausap ni Victoria si Sophia tungkol sa pagkaka-alam ni Lima sa recipe ng Victoria's Chicken. In fact wala naman talagang kinalaman si Sophia kay Lima, ngunit lalong tumindi ang hinala nitong ninakaw nga ni Victoria ang recipe.


Matapos ang paghingi ng mga advice at pagmumuni-muni, napagisip-isip ni Ysay na tanggihan ang alok ni Sophia bilang cook sa Florencia's, alang alang sa mahal niyang si Mito.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!