Isang bagong gameshow ang ipinalabas ngayon ng ABS-CBN, ang 1 vs 100. Ang game ay Licenced from Endemol, ang company responible for Dream Academy, Deal or No Deal, and ang sikat na Big Brother. The show is hosted by no other than the new gameshow master himself, Mr. Edu Manzano. Kilala si Edu sa paghost nito sa defunct na gameshow ng Channel 13 (Licenced also from an International media firm) "The Weakest Link" at ngayon sa "Pilipinas, Game K N B?". Sa kanilang pilot episode, si Comedy Queen Ai-ai delas Alas ang first ever contestant. Unfortunately, hindi siya nanalo.
Ang objective ng laro: Either the contestant wins, or the mob wins.
Here's how the game is played:
1. The contestant will play against 100 members of the mob. A question will be asked and it will have 3 choices. The mob will answer the question first for 6 seconds. After which the player will answer the question with no time limit.
2. Parang Deal or No Deal, mayroong money table kung saan dito ibabase ang worth ng question. If the player answers the question correctly, he will win the the question's worth multiplied by the number of the members of the mob that got a wrong answer. Example, tama ang sagot ni player, and halaga ng question ay P1,000, and 10 ang members ng mob na nakakuha ng wrong answer. Ang mapapanalunan ng player for that question ay P10,000.
3. Parang The Weakest link, ang mga nagkamaling members ng mob ay hindi na pwedeng sumagot sa susunod na question. So sa example natin kanina, 90 na lang ang matitirang members ng mob kaya it will be 1 vs 90.
4. After each question is asked, tatanungin ng gameshow host (which is Edu Manzano) kung pipiliin na niya ang Money, or ang Mob. Kapag Money, uuwi na siya with the amount na kanyang na-accumulate. Kung Mob naman, mag-aadvance sila sa next question at mas mataas na siyempre ang value ng tanong na iyon.
5. Parang Who wants to be a millionaire, pwede siyang humingi ng tatlong tulong (helplines). Ang una ay Pinakamaraming sagot, ang pangalawa ay Sagot ng Dalawa, and the last ay Alamin ang sagot. Sa una, ipapakita kung alin sa mga choices ang pinili ng pinakamaraming members ng mob. Sa pangalawa naman, pipili ang computer ng dalawang mob member na magkaiba ang sagot at ieeliminate ang choice na hindi pinili nung dalawa. Sa pangatlo naman, pipindutin ng player kung ano ang choice niya, pagkatapos ay ipapakita ng computer kung ilan sa mga mob members ang pumili ng choice na kanyang pinindot.
6. Tuloy tuloy lang ang tanungan hanggang sa maubos ang mob, or magkamali ang player. If naubos ng player ang mob, he wins 2 million pesos. Pero kapag nagkamali siya ng sagot, ang na-accumulate niyang pera ay paghahatian ng mga natirang members of the mob na tama ang sagot, and he goes home with nothing. Ang mga mob members naman na natira ay tinatawag na The Unbeatables, and they will play again on the next episode, dadagdagan na lang sila to complete the 100 members of the mob.
For me, mas maganda ang gameshow na ito dahil informative, and ang ganda ng props. Mas ok pa kesa sa 26K girls na never ko pang nakitang sabay sabay na nagsayaw.
0 Comments:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)