Muntik nang magpang-abot sina Lima at ang bumalik na sina Ysay. May nakalimutan si tsang kaya bumalik ito, at nang makita ni Albert na paparating na muli sina Ysay ay madali niyang ipinasok si Lima sa bahay.
Sa loob naman, pagkakuha ni tsang ng damit niya ay may bumagsak na isang note. May nakasulat itong pangalan na "Albert Amarillo". Nakagawa naman ng lusot itong si Albert at sinabing tito nila ito.
Tinawagan ni Albert ang kanyang ina dahil nagsumbong si Lima sa kanya. Umuwi si Albert sa kanila upang damayan ang ina. Si Lima naman ay tutol sa pagpanggap ni Albert na si Andrew. Hindi raw ito nakakatulong sa kanyang ina na kailangang matanggap na patay na si Andrew.
Kinausap na ni Ysay ang may-ari ng restaurant na magpapadala sa kanya abroad. Dito sinabi ni Ysay na hindi na niya tatanggapin ang offer.
Sa restaurant na iyon ay nakita ni Ysay ang isang portrait ng kanyang inang si Rosario, at may nakasulat na Moonlight sa ibaba. Kinausap niya ang may-ari upang mabili ang painting ngunit hindi pumayag ang may-ari.
Sa therapy session ni Victoria, dito ay nabanggit niya ang tungkol sa kanyang ina. Na siya ay anak sa pagkaka-rape, at hindi siya gusto ng kanyang ina. Isang factor itong tinitignan ng doctor, na maaaring si Andrew ang naging pangtakip ni Victoria dati upang maibaon sa limot ang nakaraan niya sa ina. Ngayong wala na si Andrew ay lumabas lahat ang mga problema ni Victoria at hindi niya ito nakayanan kaya siya nagbreakdown.
Sinabi na ni Ysay kay tsang ang desisyon niyang pag-atras sa offer abroad. Wala namang nagawa si tsang dito. Nabanggit din ni Ysay ang tungkol sa painting ng kanyang ina sa restaurant na pinuntahan niya. May alam si tsang ngunit hindi nito binanggit kay Ysay dahil may usapan sila ni Rosario nang nabubuhay pa ito na huwag babanggitin kay Ysay ang tungkol doon.
0 Comments:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)