Google
 

Sinusundan ni Victoria ang bawat galaw ng kanyang anak. Tinitignan nito kung sino ang mga umaapi kay Andrew.






Malungkot na nagpaalam si Mito sa kanyang staff sa huling taping ng kanilang show.




Dumalaw naman si Victoria sa Florencia's. Akala niya ay hindi tatanggapin ni Mito ang offer ni Sophia, ngunit tiyempong dumating si Mito upang makapag-start na sa kusina.





Medyo disappointed si Sophia sa mga luto ni Mito. Ordinary ang dating ng lasa. Tiyempo namang pagdating ni Georgia sa Florencia's upang sabihin na wala silang mapapala kay Mito pagdating sa pagluluto dahil scripted lang ang lahat at hindi naman daw talaga mahusay magluto si Mito. Dito na napag-isip isip si Sophia.





Isang beses ay dinalaw ni Ysay si Mito sa Florencia's at nagpatulong si Mito sa isang putahe. Nilagyan ni Ysay ng pampalasa ang niluluto ni Mito (obvious na Maggi Magic Sarap ang ginamit ni Ysay) at nang i-serve ito ay nagustuhan ng mga guests ni Sophia.







Pinuntahan ni Sophia ang kitchen at nakita niya dito si Ysay kasama ni Mito. Inamin ni Mito na tinutulungan siya ni Ysay sa mga niluluto nito, kaya naisip ni Sophia na kunin din si Ysay bilang chef sa kanyang kusina. Wala pang desisyon si Ysay tungkol dito, ngunit alam naman nating matagal na itong pangarap ni Ysay - ang makapagtrabaho sa Florencia's.


Lalong tumitindi ang pagmamahalan nila Jordan at Lima.



Nakarating na kay Victoria ang plano ni Sophia na pagkuha kay Ysay bilang partner chef ni Mito sa Florencia's. Ipapaimbestiga ni Victoria ang background ni Ysay, maghahanap siya ng kahinaan nito.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!