Google
 

Aaminin na sana ni Patria ang totoo kay Andrew - na sila ang totoo niyang mga magulang - nang biglang dumating si Bernardo. Hindi na naituloy ni Patria ang pag-amin dahil pinigilan siya ni Bernardo. Akala naman ni Bernardo ay alam na nga ni Andrew ang tungkol sa totoo niyang magulang, ngunit napanatag siya ng malamang iba ang nalalaman niya at hindi pa alam ni Andrew ang tungkol sa bagay na iyon.




Nagkakagulo na ang mag-asawang Mike at Rose dahil sa litratong ibinigay kay Patria ng isang utusan ni Minerva. Hindi naman inaamin ni Mike ang tungkol doon at wala siyang balak sabihin ang tungkol sa nakaraan nila ni Patria. Natigil lang ang pag-aaway nila ng dumating si Andrew.





Hindi naman magkasundo ang mag-amang Mike at Andrew dahil ayaw ni Mike aminin ang nakaraan nila ni Patria kay Rose, samantalang si Andrew naman ay gusto nang sabihin sa kanyang ina ang tungkol dito. Ayaw ni Andrew na magsinungaling sila kay Rose, samantalang si Mike naman ay ayaw masira ang kanilang pamilya kaya ayaw niyang malaman pa ni Rose ang tungkol dito.





0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!