Google
 

Dahil sa pagpunta ni Andrew sa pinagtataguan ni Gillian ay hindi nito naipasa sa catering ang menu list na ipinapaasikaso sa kanya ng kanyang ama. Ngunit upang hindi ito magalit sa kanya ay nagsinungaling ito at sinabing naibigay na niya sa catering ang menu list.



Tinutulungan naman ni Michelle si Boy sa paghahanap kay Gillian. Pinuntahan din ni Boy si Rose upang magbakasakali na may balita kay Gillian. Nalaman ni Boy na tinawagan ng kanyang ate si Rose, at kahit papaano ay lumuwag ang kanyang kalooban ng mabalitaang kahit papaano ay nasa mabuting kalagayan ang kanyang ate.






Pinuntahan naman ni Patria si Minerva upang mangutang pampamasahe kina Boy at Tina upang mailayo ito at hindi malaman ang mga pinaggagagawa nilang mag-asawa kay Gillian. Dito nalaman ni Patria na nawawala din si Carla, anak ni Minerva. Naisip niya tuloy na maaaring magkasama ang dalawa. At dahil nakuha ni Minerva kay Heidi ang lokasyon ng pinagtataguan nila Carla at Gillian ay nagpasya ang dalawa na puntahan ito. Lihim naman silang sinusubaybayan ni Boy.





Ibinalita ni Heidi na nai-tip niya ang lokasyon nila ni Gillian kay Minerva, kaya dali-dali silang tumakas. Ngunit may nakalimutan itong si Carla dahilan upang bumalik sa bahay, at dito nagpang-abot ang mag-ina sakay ng taxi.










Nagkasagutan ang mag-inang Minerva at Carla, at labis na nasaktan si Minerva sa mga salitang binitiwan ni Carla. Mahal niya ang kanyang anak.



Nagpasya ang dalawa na dalawin si Gillian sa pinagtataguan nito. As usual ay may dalang chocolates si Mark para kay Gillian, na labis na ikinayamot ni Andrew. Selos?




Tuwang tuwa si Gillian nang makita sina Mark at Andrew. Hindi napigilan ni Gillian na yakapin si Mark, na labis na ikinalungkot at ikinaselos ni Andrew.



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!