Google
 

Dahil sa bumuting kalagayan ni Ernest ay binigyan na sila ng release papers at naiuwi na nila si Ernest, tamang tama para sa kanyang ika-limang birthday. Kaya paguwi ay nagcelebrate sila.



At dahil hinahanap ni Ernest si Cynthia ay ihinanda na nila Noel at mga kailangan upang mailabas si Cynthia pansamantala at makausap si Ernest, sangayon sa kanilang usapan na ipapakilala sila Noel at Melanie kay Ernest bilang kanyang mga tunay na magulang. Bago pa man palabasin ng mga pulis ay binantaan ni Bryan ang kapatid na huwag gagawa ng kalokohan. Isang ngisi lang ang ibinigay ni Cynthia sa kapatid.



Dahil sa kutob na baka may gawing hindi maganda ang kapatid ay sinabihan ni Bryan ang magasawa na huwag munang ituloy ang gagawin. Ngunit buo na ang pasya ni Melanie at kailangan na daw nilang gawin ito.


Tuwang tuwa naman si Cynthia nang makita na si Ernest. Sa isip nito ay tumatakbo na ang mga plano niya. Nanghingi siya ng privacy sa kanila. Ayaw sana ni Melanie ngunit sadyang mapilit si Cynthia, kaya wala silang nagawa kungdi iwan ang mag-ina sa loob.



Pagkalabas nila Melanie at ng mga pulis ay saka niya itinakas si Ernest. Sa CR sila pumunta at sa bintana ng CR sila lumusot palabas.



Nakausap ni Bryan ang mga kasama ni Cynthia sa kulungan, at sinabi nilang may pinaplano nga ito. Akala nila ay nagbabaliw-baliwan lang. Kaya humahangos na pinuntahan ni Bryan sina Noel. Huli na dahil nakatakas na ang mag-ina.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!