Google
 

Nagkaayos na nga sina Andrew, Alex, Aling Trinidad at Ysay. Niyaya pa ni Ysay si Andrew para manuod ng open mic night ni Alex, na pinaunlakan naman ni Andrew.







Nagkaroon ng pagkakataon sina Ysay at Andrew na mag-usap sa labas ng bar. Dito ipinaulit ni Ysay ang binanggit ni Andrew, at inulit naman ni Andrew, na mahal niya si Ysay. Ngunit sinabi ni Ysay na hindi ngayon ang panahon. Huwag daw ngayon.



At bilang treat kay Alex ni Andrew (hindi naman siya natanggap dahil mukhang kailangan pa ng mga praktis) ay dinala niya ang mga ito sa binili niyang lupain sa Nueva Ecija. Dito ay nagtago sina Ysay at Andrew ng mga sama ng loob nila at mga wishes na ibabaon nila sa lupa at muling bubuksan matapos ang isang taon. Isinulat ni Ysay na sana after one year ay maaari na siyang magmahal muli, at kung may mamahalin siya ay si Andrew na iyon.







Samantala ay pupunta na si Lima sa kuya niyang si Alfred sa abroad. At bago pa siya makaalis ay dinalaw siya ni Jordan, na nagbihis babae pa upang hindi makilala ng mga guards at katulong ni Victoria.







Nagalit naman si Victoria kay Andrew dahil hanggang ngayon daw ay nakikipagkita pa din siya kina Ysay.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!