Google
 

Self-defense ang ginawa ni Melanie sa pagbaril niya kay Ronald. Ngunit hindi naman fatal ang gunshot ni Melanie. Ang talagang nakapatay kay Ronald ay ang muling pagbaril dito ni Cynthia, na tiyempong sinundo si Melanie dahil nga matagal siyang naghintay sa kotse sa labas. Hindi ito alam ni Melanie.




Dahil dito ay ikinulong at sinampahan ng kasong murder si Melanie. Hindi naman ito matanggap ni Noel dahil nga buntis si Melanie. Pero wala din silang nagawa dahil non-bailable ang murder.



Galit na galit ang ina ni Ronald kay Melanie. Isinusumpa daw niya na mabubulok sa bilangguan si Melanie dahil sa pagpatay nito sa kanyang anak. Todo paliwanag naman si Melanie na siyempre pa ay hindi naman pinapakinggan ng ina ni Ronald.


Si Cynthia, na may alam ng totoong nangyari, ay niyayaya ang kanyang asawang si Dr. Victor na manirahan na lamang sa labas ng bansa kaysa ituloy ang balak niyang pagpapatayo ng bahay.




At mistulang luka-luka ay gumawa siya ng eksena sa burol ni Ronald. Kumuha ito ng isang rose at piniga ang mga petals sa kabaong ni Ronald. (Sabagay baliw naman talaga siya)


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!