Google
 

Nagmakaawa si Andrew sa kanyang inang si Victoria na ibalik ang bahay nila Ysay upang kahit papaano ay makatulong siya kay Ysay at may pag-asang magkabati pa sila. Humingi naman ng kundisyon si Victoria na ibabalik lamang niya ang bahay nila Ysay kung babalik si Andrew sa kanyang bahay, na siya namang tinanggap ni Andrew.



Ngunit hindi nito nabago ang pagtingin sa kaniya ni Ysay at nila Alex. Galit pa din sila sa kanya at ipinagtabuyan palayo.





Naghanda naman ng isang celebration si Victoria sa muling pagbabalik ni Andrew sa kanyang pamamahay. Ipinakilala niya ito sa mga guests niya at sinabing siya ang mamamahala ng ilang branches ng kanilang business. Hindi pa handa si Andrew sa muling pagbabalik niya sa poder ng kanyang ina, ngunit wala na siyang magagawa dahil wala naman na siyang mapupuntahan.







Samantala ay ibinalita na kay Ysay na hindi na matutuloy ang kanyang show. Ikinabahala ito ng husto ni Ysay dahil kailangan nila ng pera. Nabalitaan ito ni Mito mula sa isang kakilala sa loob ng network at pinuntahan niya si Ysay, ngunit nagalit lang sa kanya ito kaya napilitan siyang umalis na lang.





0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!